Thursday, May 1, 2008

"Sisiponparin" hangang ngayon, sana bukas wala na to..(labor Day)

Hindi ko lam kung panu ko sisimulan to.. sa mga oras na to naiirita ko dahil sumasakit ang aking ulo.. ung sipon na nakwento ko nun kung nabasa mo, present pa rin. Ang hindi ko maintindihan kung may talab pa ba ang mga gamot ngayon, ilang beses na ko uminom, at lagi pa kong umiinom ng tubig( yan kasi yung isa sa mga paraang alam ko), sa awa ninuman nandito pa rin ito, ang sipon na nakakirita.. pero hindi naman ako nagrereklamo, atleast maswerte pa rin ako at sipon lang. mas gugustuhin ko ng magkaroon ng sipon ng 5 buwan kesa magkacancer, kesa magka-tb, kesa magkasakit sa puso.. it's a matter of perspective nga daw, kapag hindi masarap ang pagkain mu, isipin mu ung mga taong walang kinakain para maubos mu, kapag pangit ang bahay mo, isipin mu yung taong walang matiran at gaganda ang bahay mo sa paningin mo..likas kasi sa mga tao ang mareklamo at walang kasiyahan, kaya kung natutunan mong maging kuntento sa mga bagay na meron ka ngayon, isa ka sa mga iilang taong mapapalad at kung parang sipon lang din ang ganung attitude ng tao, manghawa ka na hanggang gusto mo hindi kita pipigilan.pero sana bukas mawala na to, dahil ayokong manghawa sa office, alam kong dn galing to pero ayoko ng ibaik pa to dun ulit.basta ang iisipin ko na lang "may sipon ako ngayon at buti sipon lang at gagaling na din to mamayang 3:10 am para pagising ko bukas ok na ko". sya nga pala Labor day ngayon, ang wish ko lang,"sana next year, wala ng tao sa mendiola na may dalang bandilang pula at sumisigaw ng mga hinaing nila, sana..:)

No comments: