Wednesday, May 14, 2008

"Ang Babae ay parang bulaklak yan.. Huwag mong pipitasin kung sisirain mo lang"




Alas singko ng umaga ngayon, Bigla na lang pumasok sa isip ko ung mga salitang yan.. at bigla akong napatanong sa sarili ko, pumitas na ba ko ng bulaklak na sinira ko lang? literally, oo marami na, sa quotation na yan, ang sagot ko, ewan..hehe..anyway wala pa akong balak ikwento ang mga past lovelife ko. Gusto ko lang gumawa ng counter part nito para sa mga lalaki. ikaw, may naiisip ka ba?


Siguro eto na yung isa sa magagandang naisip ko para sakin..haha nakakatawa ang dating pero para sakin kahit paano may lalim naman. nakita ko kasi ito sa www.youtube.com, isang klase ng halaman na kumakain ng insect..kaya para sakin ito na ang para satin mga kalahi ni adan" Ang lalaki parang insekto yan..Kaya kung bulaklak ka,huwag mong aakitin kung papatayin mo lang".



What i am saying is kung isa kang babae at wala kang pinagkaiba sa halaman na nakikita mo sa video please try mong magisip ng malalim-lalim. Sa nakikita ko kasi sa video kailangang pumatay ng halaman na ito para mabuhay siya, pero sinisipsip niya ang dugo at laman ng insektong maaakit niya at unti-unti niya itong papatayin. Parang sa totoong buhay diba, may mga babaeng nilikha para lang mangamit, yun tipong sa panloloko ng kalalakihan ang purpose niya.

Kaya ang payo ko sa mga kalalakihan, look for a flower or plant na matutulungan mo at matutulungan ka, maybe for a rose, Santan, Sunflower or kahit sa simpleng Gumamela.. Dahil kung dito ka mapupunta sa "Venus Flytrap" na ito.Tsk Tsk Tsk..





No comments: